Sabado, Oktubre 6, 2012

Pagsulat ng Talambuhay

Ang talambuhay ay isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao. Isinusulat ito hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay magamit na huwaran ng iba.



Uri ng Talambuhay

1.) Pansarili - tungkol sa buhay ng may akda

2.) Pang-iba - naglalahad ng makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila o hinahangaan

Paraan ng Pagsulat ng Talambuhay

Payak na paraan na pagsulat

Unang linya: pangalan
Ikalawang linya: 2-4 na panguri na naglalarawan sa sarili o sa taong inilalahad
Ikatlong linya: mga magulang
Ikaapat na linya: mga kapatid
Ikalimang linya: mga hilig at gusto
Ikaanim na linya: mga kinatatakutan
Ikapitong linya: mga pangarap
Ikawalong linya: tirahan
Ikasiyam na linya: apelyido

Kontrobersyal na paraan ng pagsulat na gaya ng isang ordinaryong pagpapakilala sa paraang pasalita

Unang talata - panglan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang, kapatid

Ikalawang talata - mga katangian, mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan sa sarili

Ikatlong talata - mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasan sa darating na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay

2 comments:

  1. Salamat sa pagbabahagi ng kaalamang ito. Kinailangan ko kasi sa isang talambuhay na ginagawa ko.. Pagpalain ka ng Diyos Arisa. :-)

    TumugonBurahin
  2. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin